Barangay San Roque Day
Si Mayor Eddie Lota habang nagbibigay pugay sa mamamayan ng San Roque.
September 4, 2012 San Roque, Alcantara, Romblon - Isang pagpupugay at paglilingkod ang isinagawa ng pamahalaang lokal sa barangay San Roque. Katulad ng mga naunanang Barangay Day, inilapit ng munisipyo ang mga pangunahing serbisyo sa kanila, ipinaghanda ng makakain at konting regalo ang mga senior citizen may kaaraawan sa buwan ng setyembre at nag alay ng mga libreng gupit at masahe sa mga mamamayan ng nasabing barangay. Ito ay madalas gawin ng pamunuan ng bayan ng Alcantara sa lahat ng barangay mula pa nung nag-umpisa ang bagong administrasyon. Sa pangunguna ni Mayor Eddie C. Loata, Vice Mayor Robert Galindez at sampu ng mga Konsehal ng bayan. Bitbit ang mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Nagsilbing pansamantalang munisipyo ang basketball court at barangay hall. Nagkaroon din ng libreng pakain at gatas sa mga batang nakasama sa listahan ng mga undernourished ng nasabing barangay, libreng bunot ng ngipin, blood pressure check-up at vaccinations. Kasama sa mga serbisyong inihatid ay ang mga serbisyo ng mga sumusunod na tanggapan; Municipal Local Registrar, Municipal Treasurers Office, Municipal Assessors Office, Municipal Welfare and Development Office, Rural Health Office, Municipal Agriculture Office at Municipal Coordinating Office ng Congressman ng Romblon. Ang proyektong ito ay isang inisyatibo ng pamahalaang lokal sa pakikipagtulungan sa Office of the Congressman upang mas lalong mapaglingkuran at mailapit ang pamahalaan sa taong bayan.